Tuesday, August 23, 2011

My Best ‘boy’ Friend, My Best ‘girl’ Friend

James: Now, you’re my best friend, okay? (inakbayan si Devon)
Devon: Okay! (nakangiti)

Mahigit anim na buwan nang mag-best friend ang dalawa, minsan nagtatampo si Devon kay James dahil parang hindi sila magkakilala pag nagkakasalubong sa corridor ng school. Minsan umiiwas na din si Devon kay James, pero parang wala lang iyon kay James, normal lang sa kanya na hindi sila nagpapansinan ni Devon.

Sa anim na bwan na mag best friend ang dalawa ay alam nila kung sino ang mga nagugustuhan ng bawat isa.

Si James ang madalas may bagong crush, si Devon naman wala nang sumunod na crush nang magka-girlfriend ang nagugustuhan nya noon.

Sa mga unang apat na bwan ay madalas naman silang mag-usap at magkasama, pero ng tumagal ay bumalik si James sa sarili nyang mundo, kasama ang mga kaibigang lalake.

Isang araw ay naisipan nil Devon na kamustahin sa text ang kaibigan.

Devon: Bespren, musta na?
James: Bespren! I‘m fine, you?
Devon: Okay lang din, miss na kita :p
James: Miss na din kta.
Devon: Weh? Parang hindi naman, hmp, o kamusta naman ang love life?
James: Wala, same same ..
Devon: Anong same same? Si Trina padin?
James: She’s just a crush!
Devon: Okay, sabi mo eh.
James: Hey, I’ll sleep now. Good night
Devon: Ha? Sige.. good night Gusto pa sana kitang kausap, sobrang miss na kita, pero sige, matulog ka na bulong ni Devon sa sarili.

Humiga si Devon sa kama nya, hawak ang cellphone nya. Tinitignan nya ang mga message sa inbox nya ng madaanan nya ang isa sa mga text ni James noong bago palang silang mag best friend.

Devon: (sighed) “No one will hurt you bespren, I promise, I‘ll protect you from them and I will never leave you!” Talaga lang ha? E panu mo ko po-protektahan sa sarili mo?

Napapikit si Devon, hanggang sa nakatulog na din sya.

Kinabukasan sa eskwelahan.

James: Hey, Devon, let’s eat, my treat!
Devon: (nakangiti) Talaga? Libre mo ko? Sige!

Nakita sila ng mga kaibigan nila.

Sandy & Rylie: Ayii, ang sweet nyo tignan, alam nyo un?
Devon: Heh, kumakain lang, sweet na agad?
James: Do you guys wanna join us?
Sandy: Naku! wag na, kayo na lang dalawa.
Lina: Oo nga, tsaka may klase pa kami.. bye! (sabay hatak kay Sandy at Rylie)
Devon: Loko loko talaga mga un. Tsk. Tsk.

Pagkatapos ng araw na iyon ay naging busy silang dalawa, halos isang bwan na silang hindi nakakapag-usap, sobrang miss na ni Devon ang best friend nya, sya kaya? Miss na ni James?

Sandra: Devs, ano nang balita mo kay bespren mo ngaun?
Devon: Ha? nakita ko sa Facebook last week, ung status nya, in a relationship with Camille, totoo ba yun?
Sandra: Hindi, trip trip lang un, pero wag mong sasabihin kahit kanino to ha?
Devon: Ha? Sige promise, hindi ko sasabihin kahit kanino, ano ba yun?


Sandra: Katext ko kasi si Camille nung isang gabi. Katext din daw nya si James nun, pinakita nya ung text ni James saken nung naguusap sila. Sabi dun “I know we were just pretending Camille, but I don‘t know, I think I‘ve fallen for you”, uy quiet ka lang ha?

Devon: (natahimik sa narinig) Ha? oo naman. So si Camille pala, isip ni Devon.
Sandra: Grabe, kawawa naman si James.
Devon: Bakit naman?
Sandra: E kasi, si Camille iba din yung gusto, ung isang kaibigan namin. Si Josef.
Devon: (naawa kay James) Sandra, alis na ako ha? uwi na ko, bye.

Umuwi si Devon, simula noon ay naging tahimik na sya. Tanging ang mga kaibigang babae na lamang nya ang kasama nya, kung minsan ay kasama nya din ang mga kaibigan ni James na mga lalaki. Pero wala si James pag kasama nya ang mga iyon.

Dumating ang second sem, alam ni Devon na alam na ni James na iba ang gusto ni Camille, nasasaktan sya para sa kaibigan, pero nasasaktan din sya para sa sarili. Bakit ba siya nasasaktan para sa kaibigan? Kaibigan lang naman, kumbinsi ni Devon sa sarili.

Sa ikalawang araw ng second sem, kasama ni Devon ang kaibigan nyang si Sandy. May klase si Devon at hinatid lang sya ni Sandy sa classroom, late syang nakapasok sa klase. Hindi nya alam kung sino ang mga ka-klase nya, nang makapasok sa loob ay lumuwag ang pakiramdam nya, dahil kakilala nya lahat ng nandoon.

Sa kabilang row ay nandun si James kasama ang mga kaibigan nito, at sa harap ni James ay nanduon si Camille. Hindi na tinangkang tignan ni Devon ang dalawa, nasasaktan sya, lagi nyang itinatanggi sa sarili na mahal nya ang best friend nya.

Pagkatapos ng klase ay huling lumabas si Devon, naabutan pa nya ang mga kaibigan ni James, pero nag-alisan na din ang mga ito, naiwan si James at nakatalikod ito. Nakita ni Devon sina Camille at Pinky sa labas ng classroom, naghintay sya, dahil kasabay nyang uuwi si Fred, isa din sa mga ka-klase nyang kaibigan nila Camille.

Pinky: Camille, ano?
Fred: Uy bilisan nyo, uwing uwi na si Devon.
Devon: Hala, hindi, sige lang. Natulog naman ako kanina. (nakatingin kay James at nag-aalala)

Lumapit si Devon kay James at hinatak nya ang bag nito, akma namang lumingon si James.

Gusto sana nyang damayan ang kaibigan, pero hindi nya magawa dahil nanduon si Camille.

Alam nyang ito ang hinihintay ni James, hindi nya alam, pero mukhang mag-uusap ang dalawa..

James: Why? You’re going home?
Devon: (tumango) Bye. (malungkot na sabi nya)
James: Take care. (humarap uli sa kawalan)


Napatingin si Devon sa baba, gusto na nyang maiyak. Nasasaktan sya, at ngayon, sigurado na sya.
Nasasaktan siya hindi dahil sa naawa siya sa pinagdadaanan ng kaibigan. Nasasaktan siya dahil alam niya kung ano ang pakiramdam ng mahalin ang isang tao na walang katiyakang mahal ka nila. Mahal nya ang best friend nya. Umalis na si Devon kasama sila Fred at Pinky. Naiwan naman sila Camille at James na magkasama.

Lumipas ang isang buwan, lagi nang iniiwasan ni Devon si James. Kahit pa mag ka-klase sila sa ibang subject ay pinipilit nyang lumayo dito.

I’m missing her, where could she be, tanong ni James sa sarili at palingon lingon.


Devon: James! (lumapit)


Oh, here she is, I missed her, napangiting isip ni James.

James: Oh? I missed you bespren!
Devon: (Napangiti) Namiss din kita! Usap tayo. (Dinala si James sa tahimik na lugar)
James: (nagtataka) What’s happening?
Devon: James, I’m transferring school.
James: (gulat) Huh?! Why?! You’re leaving me?!
Devon: (nalulungkot) Lilipat na kasi kami ng bahay. Malayo kasi dito kaya lilipat na din ako ng school.
James: Why? Can’t you just stay on a boarding house? A dormitory or something?
Devon: Sorry, ayaw nila mama eh. Pero ang totoo, ako ang may ayaw, naisip ni Devon. Nasasaktan na talaga ako James.

James: When are you leaving? (lumungkot)
Devon: Next week. (pinilit ngumiti)
James: Next week?! Why didn’t you tell me about it earlier?
Devon: (tumango at ngumiti na lang sya) Bye James, I’ll miss you best friend. (niyakap si James) I love you. (bulong nya at humalik sa pisngi ni James) First and last, kiss and hug, bye James, naisip ni Devon.

Yumakap din, pero hindi makapagsalita si James. Hindi niya alam ang sasabihin sa kaibigan. Nakaalis na si Devon pero nakapako na si James sa kinatatayuan nya, hindi sya makapaniwalang aalis na ang babaeng totoo nyang minamahal.

Isang buwan ang nakaraan ng kinausap nya si Camille, sinabi nya dito na si Devon talaga ang mahal nya, nabigla lang sya sa nasabi nya noon dito dahil naghahanap sya ng pagmamahal na dating si Devon ang nagbibigay. Simula ng araw na yon ay umiiwas na si Devon sa kanya, gusto man nyang kausapin ang dalaga para ipaalam dito ang tunay nyang nararamdaman ay ito na mismo ang lumalayo.

Ang dahilan ni James ng paglayo kay Devon noon ay simple lang, nahuhulog na ang loob nya dito. Ayaw nyang mawala ang kaibigan nya sa kanya kaya pinili nyang layuan ito at mahalin na lamang ng palihim.

Dalawang buwan na nang umalis si Devon sa eskwelahang iyon. Araw araw sa dalawang bwan na yon ay maiinitin ang ulo ni James, lagi syang hindi mapakali, at bihira na din syang sumama sa mga kaibigang lalake, alam nyang may kulang. Si Devon.

James: Sandy! Lina! (habol nya sa dalawa)
Sandy: Oh James, bakit?

James: I know you have contact with Devon, can you give me her number? She changed her number after she left this school. I know you know her number. Please help me..

Nagtinginan sila Sandy at Lina, naguguluhan sila. Hindi na makapag hintay si James, pakiramdam nya bawat segundong dumadaan ay sasabog ang dibdib nya, gusto na nyang makasama si Devon.

James: I love her, okay! it’s about time I realize it. I’m so stupid! I’m sorry, help me, please ..
Sandy: Okay, (napangiti) eto number nya, address nila, and landline number nila. Sa wakas James!
James: (napakunot noo sa huling sinabi ni Sandy) Thanks!

Dali dali syang pumunta sa kotse at pumunta sa address na binigay nila Sandy at Lina.

Nang dumating sya duon ay wala si Devon at nalungkot sya. Pero kinausap nya ang magulang ni Devon.

Gabi ng dumating si Devon galing sa eskwelahan, sa gate ay nagtaka sya kung bakit walang ilaw sa loob ng bahay nila. Inakala nyang umalis ang mga kapamilya nya, kaya inilabas nya ang susi at akmang bubuksan ang pinto, pero nang ipasok nya ang susi sa keyhole ay bukas naman ang pinto, dahan dahan syang pumasok sa loob.

Puro kandila ang nakita nya, napakunot noo sya.

Devon: Brown out ba? O naputulan kame ng kuryente?

Inilapag nya ang bag sa sofa, maya maya pa ay may nakita syang lalaking palabas galing sa dilim, hindi pamilyar sa kanya ang lalaking iyon, kaya nagbanta sya at pumwesto para dumipensa.

Devon: Sino yan?! Marunong akong magkarate! Lumayo ka!
James: Is that how you greet someone? (nakangiti)

Ibinaba ni Devon ang depensa nya, pamilyar sa kanya ang boses na yon, para syang dinaluyan ng 10000 volts na kuryente sa buong katawan, nanghina sya.

Devon: James?

Lumapit si James kay Devon at biglang yumakap ..

Devon: Anong ginagawa mo dito? (nanginginig nyang boses)
James: Remember the day you said goodbye to me? I didn’t get the chance to say something.

Tahimik lang si Devon nang mag umpisang magsalitaa si James.

James: I didn’t want you to leave that day, I didn’t want our hug to end that moment, I wanted that kiss on my lips instead of on my cheeks, I wanted to say that I love you too, not as my best friend, but more than that. I didn’t know how to start saying those words, until you left me there standing alone. I waited for two months to see if I could forget about you, but how can I? If you’re the only one I could ever love, for real.

Naiiyak si devon sa mga naririnig nya, pero totoo ba lahat to? Hindi ba sya nananaginip?

Devon: James.

Bago pa makapag salita si Devon ay hinalikan sya ni James.

Maya maya pa ay nagising si Devon, panaginip lang pala ang lahat ng yon. Napatingin sya sa katabi nya sa kama, at napangiti sya..

Limang taon nang kasal sila Devon at James ngayon, meron na din silang isang anak, masaya silang nagsasama, simple lang ang pamumuhay nila, tulad ng gusto nilang dalawa ni James.. simple lang.

Limang taon nakaraan, sa araw na pinuntahan ni James si Devon sa bahay nila ay inamin nya ang lahat kay Devon, hindi alam ni Devon ang isasagot sa mga sinabi ni James sa kanya, pero alam nyang totoo ang lahat ng sinasabi nito. Alam nyang totoo dahil ramdam nya.

Devon: I love you, Best Friend (ngiting sabi nya at hinalikan si James sa pisngi)

Naalimpunatan si James at nagising ..

James: I love you too, Best Friend (sagot nya nakangiti at hinalikan si Devon sa labi)

1 comment:

  1. ayyyy me ganun sis ...kalowka short story ...napaiyak ako that time yung lumalayo na si devz ayy nakaka lowka ...ikaw na talaga kapatid kung maganda ....queen of fanfic ........kaya nga ikaw idol ko ehhh /////good job sis ...soo nice story napa iyak ako infairness...

    ReplyDelete