Disclaimer: ang likhang ito ay pawang kathang isip lamang, ang mga bagay o pangyayari na mababasa ay purong nangaling sa imahinasyon ng may akda. kung may nangyari o mangyari sa totoong buhay ay hindi na ito hawak ng may akda. ang mga tauhan na gaganap sa mga karakter ay gagamitin lamang upang bigyan buhay ang mga karakter sa istorya.
Happy 16th monthsary Jaevon Gems! more more more months, years and blessings to come!
at happy 1st anniversary naman saken as a writer!! ^_^
ang saya ko lang dahil naka 4 na full length FF na ako, 3 one shot at 1 tong short FF.. isipin nyo yun isang taon lang.. haha, achievement na para saken as a writer yun ;)
pinaghandaan ko ang short FF na to, kaya sana magustuhan nyo! :)
tatakbo sya sa loob lang ng isang lingo.. as in ngayon ang start matatapos sa Saturdaay, deal? :) tapos ko na kasi isulat.. hehe, anyway.. eto na po..
CHAINED LOVE (PART 1)
______________________________________________________________
he is kissing me, but there’s this hard pounding in my chest.
lumayo ako at napahawak sa dibdib ko, masakit. sobra
“bakit?” tanong nya
“wala, masakit lang” sagot ko pero hindi ko padin binibitiwan dibdib ko
“ayos ka lang ba?”
“oo, okay lang ako”
“kung ganun, pwede na akong umalis?” kumirot na naman puso ko sa sinabi nya
tumago lang ako, saka nya ako hinalikan sa noo
“ako na lang mag tetext o tatawag sayo ha? baka mahuli ako ng gf ko eh” sabi nya at tuluyan nang umalis
ako si Rain Yu, nagmahal lang naman ako. pero ang sakit kasi dalawa kami sa puso nya. hindi alam nung isa, kaya ang papel ko sa relation nila? -- ‘Kabet’
alam kong mali, pero wala akong magawa! umiral ang katangahan ko sa isang katulad nya.
matalino naman ako eh, honor student nung nag-aaral pa, mataas din ang posisyon ko bilang isang mang-gagawa, pero bakit nung puso ko na ang nasalita lahat ng alam ng utak ko nabale wala?
______________________________________________________________
“Rain ano ba? lagi na lang bang ganyan?”
“ano?”
“ano ba?! wag mo ngang gawing tanga yang sarili mo! hindi lang si Fred ang lalake sa mundo!”
“pero sya lang kilala ng puso ko”
“pusang galang puso yan Rain! wag laging puso ang pairalin! may utak ka! pairalin mo din yan dahil yan ang mas nakakaintindi ng mga nangyayari sa paligid, alam nyan ang tama at mali, hindi tulad ng puso! puro pump lang ng dugo alam nyan!” sermon ni Mica, ang best friend ko
“Mica --”
“Rain, nag-aalala lang ako para sayo. pano kung malaman ng GF ni Fred na dalawa kayo? pano kung sugurin ka ng babaeng yun bigla? ano na lang gagawin mo?”
“edi kakausapin ko sya”
“tanga ka talaga! hindi nadadala sa usapan ang mga ganung bagay, Rain parang awa mo na! hiwalayan mo na yang si Fred! ihahanap kita ng iba, please lang.”
bumuntong hininga ako, ayokong hiwalayan si Fred eh. pero nahihirapan din ako sa sitwasyon namin
sabi naman kasi nya mahal nya ako
nakita kong umiling si Mica at itinuloy na lang ang pagluluto nya
______________________________________________________________
“Fred --”
“I love you” mabilis na sabi nya sabay halik sa pisngi ko
pakla akong ngumiti sa ginawa nya
alam ko mahal ko sya, pero hindi ko alam kung mahal nya ba talaga ako
sabi nya oo, mahirap intindihin dahil hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba talaga
manhid? alam ko hindi pa ako manhid, dahil nasasaktan pa ako
pero ngayong iniisip ko na, ako lang ba talaga ang nasasaktan?
pano kaya si Ashley? pano kung malaman nyang dalawa kami sa buhay ni Fred?
pano kung hindi nya matangap na dalawa kami? sinong pipiliin ni Fred samin?
napatingin ako sa kanya
“baket?” tanong nya
umiling lang ako tapos ngumiti sa kanya saka ko isinandal ulo ko sa balikat nya
gusto kong matulog, at gusto ko pag dilat ko maayos na ang lahat.. pero alam ko, imposible yun
narinig kong tumunog yung cell phone ni Fred, naramdaman ko din na dinampot nya yun at binasa
“si Ashley?” tanong ko
umiling sya
“andyan na si Andrew” sabi nya saka tumayo
andito kami sa condo nya ngayon, at may bisita pala sya? nakakahiya naman, inayos ko na lang sarili ko
binuksan ni Fred yung pinto saka bumungad yung sinasabi nyang si Andrew daw
nag-apir sila tapos pinapasok ni Fred yung kaibigan nya
“o pare, may kasama ka pala dito.. di ba ako wrong timing?” tanong nya
“hindi ayos lang yan” sagot ni Fred, aray ko na naman
“hi, I‘m Drew” sabi nya saka inabot kamay nya saken
“Rain” sagot ko naman saka nakipagkamay sa kanya
“weh? Rain pangalan mo? Sonny apelido ko!” sabi nya habang nakangiti
“o ngayon? anong gusto mong iparating nyan?” singit naman ni Fred
“wala, masama ba pre?” tanong ni Andrew na naka ngiti
umiling lang si Fred saka inakbayan ang huli
sa totoo lang, nagsaya ang kalooban ko sa simpleng sinabi ni Fred na yun..
feeling ko kasi ipinagdadamot nya ako
“Rain sa kwarto ka muna, may paguusapan lang kami ni Andrew”
“ganun ba, sige..” tumayo ako tapos pumunta sa kwarto
pagpasok ko binuksan ko na yung T.V
kanina pa sila naguusap at inaantok na ako, humiga ako sa kama tapos --
*blag!*
tumakbo ako palabas, at ang unang bumungad saken ay ang basag na center table, nakatayong si Andrew at nakapaupong si Fred
“anong nangyari?” una kong tanong
“Drew anong ginawa mo kay Fred!” tapos lumapit ako
“you‘ll thank me about this someday. trust me” sabi nya saka nya inalok yung kamay nya kay Fred
kinuha ni Fred yung kamay ni Andrew saka tumayo
pinagpag lang ni Fred yung damit nya, hindi sya gumanti o ano man
nagtataka ako sa ikinikilos nilang dalawa, hindi ko pa lubos na kilala si Drew
pero sa mga tingin nya, may kakaibang ibig sabihin eh
“ayos ka lang ba?” tanong ko kay Fred
tumango lang sya, simula kanina hindi pa sya nagsasalita, nagpapalitan lang sila ng tingin ni Drew
“sige Pre, alis na ako. Rain”
“sige, ingat” sagot ko
“Fred anong nangyari?” tanong ko nung wala na si Andrew
“wala, alis na din ako Rain. dito ka na matulog”
“ha? pero bakit?”
“basta” saka sya lumakad palabas
mag dadalawang oras na silang wala
papunta na sana ako sa kwarto nang biglang bumukas yung pinto
nanlaki ang mata ko nang makita ko si Ashley na pumasok
“malandi kang gaga ka!!” sigaw nya sabay sabunot saken
hindi ko alam gagawin ko kaya itinulak ko sya para makawala
binalikan nya ako at pinagsasampal
“Ashley!!” narinig ko yung boses ni Fred, at dahil dun nagumpisa na akong maiyak
“mang-aagaw kang walanghiya ka!” sabi ni Ashley habang sinasaktan nya ako
hindi naman ako gumaganti kanina, pero nung marinig ko si Fred may kung anong nagsabi saken na itulak ko si Ashley , medyo malakas ang pagkakatulak ko sa kanya kaya dumausdos sya sa sahig
“aaaaaaaaaaaahhh!!” inda ni Ashley pagkaupo nya, bakas sa boses nya yung sakit
nanlamig ang buong katawan ko sa nakita kong dugo sa hita nya
“Fred .. ang .. baby ko” mahina nyang sabi, pero dinig na dinig ko yun
natigagal ako sa kinatatayuan ko hangang sa mawalan ng malay si Ashley
agad naman syang binuhat ni Fred at umalis sa condo
naiwan akong nakatayo, at nang mag sink in saken lahat ng nangyari napaupo na lang ako at napahagulgol
______________________________________________________________
lumipas ang dalawang lingo
may dumating na mga pulis sa bahay, may krimen daw akong ginawa dahil nakunan si Ashley
pero pagkalipas ng dalawang araw, inatras din nila ang kaso
nakuhaan kasi ng camera ng hotel yung nangyari
pumasok si Ashley sa condo tapos sya ang naunang nanakit at ang ginawa ko lang daw ay self defense
simula din ng insidenteng yun, hindi na nagpakita si Fred saken, at hindi pa naman ako ganun katanga para umasa na babalik pa sya saken, well oo umaasa padin, pero sa nangyari alam kong malabo nang bumalik pa yun
______________________________________________________________
isang gabi …
who's who?
well, Devon is Rain Yu
James? ;]
di ko kayo pipilitin mag comment, pero it will sure be appreciated if you would :) thank you
uhm si drew po b c james?waaa,,part 2^^hihihi..
ReplyDeletewell..si drew si james? ahehehe
ReplyDeleteHappy anniversary as writer ate Camae..ahehe feeling close eh ^^
Happy Monthsary din sa Jaevon :)
happy annivesary...c james? Wag n lng c drew..hehe.. Wg din c fred..I'll wait 4 d nxt chap...
ReplyDeleteforgot 2 mention my name.. Casey here..happy annivsary again & monthsary to u & jaevon
ReplyDelete1st of all, HAPPY 16th MONTHSARY TO JAEVON <3
ReplyDelete2nd, HAPPY 1st ANNIVERSARY ATE CAMAE :)
3rd, Sana si James si Drew. Wag si Fred!!!
4th, I like this Short FF
Galing mo talaga Ate Camae :)
-meg
Happy 1st anniversary bilang writer cam :)
ReplyDeleteand it show magaling kana talagang writer...
:)
“pero sya lang kilala ng puso ko” i love dis line
cam...
ukie lang sa kin kung sino c james either drew or fred nice story kc..
nice & great shot cam :)
-chenmae
c james c drew?
ReplyDelete-camille-
xciting ang story teh!............ka lurkey ang character ni MM dito....sino c fred c ivan o c sam?????????..........magdamagan 2ng babasahin q!....... :))
ReplyDelete