Monday, October 3, 2011

Short Fanfic

CHAINED LOVE (PART 3)



“huh, ako pa ang tinanong, gusto mo maramdaman ang tunay na pagmamahal?” tanong nya na may paghahamon pero pinili ko ang hwag sumagot

“be my girlfriend” sabi nya bigla, at seryoso pa sya sa tono nya
“what?!”
“you don’t know the true feeling of love, so I‘ll let you feel it”
“huh, pano mo ipapadama saken kung hamon lang tong ginagawa natin?”
“I won‘t be playing” seryosong sabi nya
“you‘re crazy Drew” sabi ko sabay bukas ng pinto ng passenger seat

“oh no, you‘re not going anywhere” sabi nya saka hinatak ako pabalik
“what makes you think that I would stay h--”

*lub-dub lub-dub lub-dub*

mabagal at dinig na dinig ko yung kabog ng puso ko
this is a new feeling for me, at medyo nadadala ako to be honest

after a few seconds, I was surprised to my reaction, I’m kissing him back!
I felt a little smirk formed on his lips when I responded

itinulak ko sya, and I gasped for air
“well that was --”
“oh shut up! just drive!” bulyaw ko sa kanya bigla
“yes ma‘am” masigla nyang sabi na akala mo e jumakpot sa kung saan

______________________________________________________________

“why are you doing all this?” basag ko sa katahimikan naming dalawa
“I told you last night, I‘m doing this for my sister”
“that‘s it?”
“what do you mean ‘that’s it?’ ?”
“I mean, there‘s no other catch to this? you‘re just doing this for your sister?”
“yup” simpleng sagot nya
“then, you must really love her, don‘t you?” tanong ko uli

“nope, I actually hate her but since she‘s the only one I‘ve got, what the heck, why not make her happy I thought, so here I am”

napatango lang ako sa sagot nya, he is definitely weird I tell you

bumaba ako sa kotse nya nang makapag park na sya sa parking lot ng office building namin

“thanks for the ride Drew” sabi ko saka nag wave sa kanya
“sure no prob, and by the way I take that ‘kiss back’ as a yes to ‘be my girlfriend’ a while ago” saka sya tumawa at itinaas na uli yung windshield nya sa passenger seat

“what?! no!! DREW!!!” sigaw ko habang papaalis sya, nakakahiya dahil umalingawngaw yung boses ko. tsk

“ligawan mo muna ako noh, swerte mo lang ah” bulong ko habang natatawang papasok sa elevator

______________________________________________________________

“Rain, tara lunch na tayo” aya saken ni Mica
“o sige, ayusin ko lang tong table ko”

“uh, Rain excuse me, may delivery boy na naghahanap sayo, nasa labas” biglang sulpot ni Betty sa pinto ng office ko

“ha? ako? o sige, salamat, lalabas na”

“hala, oh my gosh Rain! lika na, labas ka na dali!!!” impit na sabi ni Mica na nakatingin sa labas
“bakit ba?” tanong ko sa kanya sabay sunod ng tingin sa tinitignan nilang lahat

“a-a- a-no yan???” nauutal kong tanong, bakit ang daming bulaklak naman?!
“kayo po ba si miss Rain? delivery po” sabi nung delivery boy
“sigurado po ba kayong para saken yan?? baka sa ibang Rain yan”
“miss Rain Yu po ba kayo?”
“ako nga, pero sino naman magbibigay saken ng ganyan kadami at kagagandang bulaklak??”
“boyfriend nyo daw po”

nanlaki mata ko sa sinabi ni kuya
boyfriend?? si Fred??!! weeeehhh?? parang imposible!!

“talaga?! galing sa boyfriend ko to?” tanong ko pa uli
“opo ma‘am, eto po yung card oh” sagot nya sabay abot ng medyo medium size na card saken

kukunin ko na sana yung card kaso biglang hinablot ni Mica saken

“hala! Mica naman eh!”
“ako na magbabasa! tignan mo na lang muna yung mga bulaklak!” sabi nya saka binuksan yung card

“Mica!”
“hep! hep!” pigil nya saken habang inilalayo yung card

“diba gusto nating marinig lahat kung ano yung nakalagay dito sa card?!!” malakas nyang tanong sa mga katrabaho pa namin

sumang-ayon naman ang mga loko loko! mga tsismoso at tsismosa!

“eto na ay teka, havey ba ito?! haha, ehem ‘have you seen the flowers? are they beautiful? until the last one dies, my love for you will stay. don’t throw them until they wilt okay? I’ll pick you up by 8:30. with all love for you, Drew’”

“Drew?!” tanong ko sabay hablot nung card kay Mica, hala!! seryoso ba yun??

“ay, e pano kung nadeado lahat yan, wiz na din ang boylet mo friend?”
“yaan mo sya, teka nga ..” sita ko habang binabasa yung card
narinig kong magbulungan mga katrabaho namin

“Drew?.. hmm.. Drew, Drew, Drew.. yan ba yung lalake kagabi friend?” biglang siko saken ni Mica
“ha? a- ano.. oo sya nga”
“whoeh?! kayo na?! bakit ang bilis? matagal mo na ba syang kilala?? anyway, finally! makaka move on ka na din kay Fred! congrats BFF!” sabi nya habang naglalakad kami papuntang canteen

“tumigil ka nga Mica, para sabihin ko sayo, kami uli ni Fred noh”
“ano?!! kelan pa? anak ka talaga ng sandamukal na -- , e sino yang si Drew?!”
“kagabi pa kami nagkabalikan, at yang si Drew? pinagtitripan lang ako nyan” sagot ko sa kanya

“teh, kung ang lalake pinagtitripan ka, hindi ganyan kadaming flowers ang ipapadala nya, hindi ganun ka korni ang ilalagay nya sa card, at lalong hindi mage effort yan na sunduin ka mamaya! friend, yang si Drew na lang ang iharap mo kila tito at tita, sigurado ako pasado yan sa kanila”

“idinamay mo pa mga nananahimik kong magulang, nasa probinsya na nga eh, baliw ka talaga”
“tsk, iniiba mo naman usapan eh”
“wala yan, syempre uutuin lang ako nyan sa umpisa para mahulog ako tapos --”

“yan naiisip mo kay Drew, pero kay Fred hindi mo naiisip yan? my gosh! pwede switch places na lang sila?”

“tsk! tantanan mo ako Mica ha”
“ako ang tantanan mo dyan sa kabaliwan mo Rain! open your eyes!!!”
“open my eyes? bakit nakapikit ba ako? di naman ah?” saka ko nilakihan dilat ng mata ko
“pu---” narinig kong nag cuss si Mica

______________________________________________________________

palabas na kami ng opisina ni Mica

“oi Rain, diba sabi ni Drew sunduin ka daw nya ng 8:30? 9:30 na! ang sama mo talaga”
“anong ang sama ko? kasalanan ko bang may meeting??”
“edi sana tinext mo man lang yung tao”
“hindi ko alam number nya noh”
“tsk tsk, minsan na nga lang may mag appreciate sayong ibang tao maliban saken tapos ginaganyan mo pa?”

umiling na lang ako, alam kong talo ako sa usapan na to, e hindi ko din naman talaga kasi kasalanan eh
nagpatawag ng meeting, so hindi ko kasalanan na malate ng uwi

maya-maya pa ..

“Rain!”
“ay kamote” nagulat ako nung may biglang humawak sa magkabilang balikat ko
kasi naman! gabing gabi naman mangulat! malay ko kung snatcher o ano!

“ano ba Drew?! papatayin mo ba ako sa atake sa puso?!”
“may sakit ka sa puso?? di bale, pag pumasok na ako dyan, papalayasin ko yung sakit para gumaling ka na”
“aha - ha - ha” pagak akong tumawa sa kanya, korni kasi!
samantalang narinig kong tumawa si Mica, magsama kaya sila, parehong baliw

“tsk, to naman pinapatawa ka lang eh”
“hindi ako natatawa” sagot ko sa kanya
“seryoso ka bang may sakit ka sa puso?”
“wala! uto-uto ka kasi! kaya ambilis mong mapaniwala”
“aray naman, hindi naman ako uto-uto” sagot nya saken, ibang iba sya sa Drew na kausap ko kagabi, bipolar kaya tong si Andrew?? o_O

“ano ba? bakit ka ba nandito?” tanong ko, sunod kasi sya ng sunod samin ni Mica habang naglalakad papuntang sakayan

“sabi ko sunduin kita ng 8:30 diba?”
“9:35 na, bat nandito ka pa?”
“pababayaan ba kitang umuwi ng ganitong oras? syempre hindi noh! ihahatid kita”

nilingon ko sya
“ihahatid mo ako? e asan ang kotse mo?”
“wala, iniwan ko ayaw naman kita masyado i-spoil-in, nga pala asan na yung mga bulaklak?”
“sinunog ko na lahat”
“ano?!”

4 comments:

  1. ano ba yan...ang gulo ni drew...pro sana siya na lang...sila na lang!!

    ReplyDelete
  2. ang cute ng ginagawa ni Drew...sana sila na lang ni Rain ang magkatuluyan


    -keziah

    ReplyDelete
  3. naka ng kalabaw hindi napost una kong comment

    ulet :)

    copy paste :)

    cams!!!!

    wow may bago ka na naman palang gawa
    you already :)

    ang ganda nitong chained love
    nacucurious ako sa flow ng story nya
    kaya kaabang-abang talaga ang susunod na chappie :)

    i bet si james si drew
    tama ba? hahaha

    happy anniversary nga pala at isang taon ka ng ff writer., you already talaga :D

    handsdown talaga ko sayo eh :)

    ReplyDelete
  4. ‘have you seen the flowers? are they beautiful? until the last one dies, my love for you will stay. don’t throw them until they wilt okay?



    ...kinilig aq sa line na yan di aq maka get over teh!.....nakaka adik!...ang kulit ni drew!...tas ang dami pa nyang banat huh nakakatawa ang chapter na etey!.....sana c drew nalang piliin nya!.... :)) xciting talaga ang story............

    ReplyDelete