Tuesday, October 4, 2011

Short Fanfic

CHAINED LOVE (PART 4)



“wag kang maniwala dyan, nilagay nya kaya sa vase lahat, inutusan pa nya yung mga empleyado para lang tulungan sya” singit bigla ni Mica

“Mica!” pinanlakihan ko sya ng mata saka ko nakita na tumawa si Drew
“bwiset, magsama nga kayong dalawa dyan!” sabi ko nung may pumara nang bus sa harap namin

agad akong umupo, tas nakita ko silang kakasakay lang din sa bus
itinulak ni Mica si Drew para umupo sa tabi ko, tapos sya dun sa kabilang side

“Drew wag mo akong paglaruan pwede?” bulong ko sa kanya
“Rain, di kita pinaglalaruan”

“pwede ba?! saan ka nakakita ng lalakeng nagmamahal DAW ng totoo tapos ang rason nya e para layuan yung boyfriend nung babae para sa kapatid, that I just so weird Drew! walang maniniwala sayo!” mahina, pero madiin kong pagkakasabi

“look, pretend that we just met and --”
“pretend that we just met? tapos mahal mo na? is that what you want me to think? mas lalong hindi kapani paniwalang mahal mo ako, kaya please, stop this nonsense” sagot ko saka ako humarap sa labas

“okay fine, let‘s start from the freaking beginning” sabi nya
“what now?” tanong ko

“hi miss, I‘m Andrew Sonny, I would like to be your friend and hang out with you. can I?” sabi nya
nanlisik mata ko sa kanya, “weirdo” bulong ko

“work with me” bulong din nya
“fine! I‘m Rain Yu, and yeah sure whatever you can hang out with me and be my friend, just leave me alone, okay?”

“then how am I suppose to hang out with you if you want me to leave you alone?” painosente nyang tanong
nilingon ko sya tapos nag kibit balikat ako

“tsk, Rain naman eh”
“fine Drew! fine! let‘s get this over with, I promise to be nice na, just give me a peace and quiet ride home, pinagtitinginan na tayo eh!” sagot ko sa kanya, for goodness sake, ilang minutes pa kasi ang byahe namin

______________________________________________________________

“bye Rain and Drew” paalam ni Mica nung nasa tapat na kami ng bahay ko, sa bandang looban pa kasi yung kanila

“o ikaw? hindi ka pa uuwi?” tanong ko naman kay Drew
“nope, so can I come in?”

umirap ako, kapal ng mukha mo ah? feel at home lang?

“anong oras na kaya” sagot ko naman, mag e-eleven na po kasi

“edi dito na ako matutulog, malayo pa kaya bahay namin, 1 and a half hour pa ang byahe, yun eh kung lumilipad yung sasakyan, e pano kung hindi? pano kung kasing kupad ng pagong? edi dalawang oras pa yun mahigit, tapos looban pa yung bahay namin tas wala nang tricycle papasok, maglalakad ako, e pano kung pundido yung poste ng kantong dadaanan ko? tas may biglang sumunod saken na tatlong lalake? tapos hold up-in nila ako? kaso wala akong maibibigay dahil wala naman talaga, tapos dahil wala silang mapapala saken, papatayin na lang nila ako? pano na yung puso ko?! pano ka na?! Rain, maaatim mo ba yun!?!”

“are you serious with your story Drew? I mean seriously? just to sleep here?”

ngumiti sya saka dirediretsong pumunta sa pinto ng bahay

“kainis naman tong tsk!” bulong ko habang nakasunod na sa kanya

pagpasok namin agad syang humiga sa sofa, ako naman dumiretso sa kwarto ko at nagbihis
nilabasan ko sya ng kumot at unan nya

“Rain” tawag nyang ikina-kaba ko, seryoso na naman kasi yung boses nya.
promise para talaga syang bipolar, one minute jolly sya, the next biglang seryoso

“bakit?” tanong ko
“naaalala mo ba nung sinuntok ko si Fred sa condo nya nun?”
“oo naman, di ko makakalimutan yung araw na yun noh, sinugod ako ni Ashley eh” sagot ko

“alam mo ba ang dahilan bakit ko sinuntok si Fred nun?”
“no, bakit nga ba?” tanong ko saka umupo sa isang couch

“well ..” bigla nyang pinutol yung sasabihin nya, yung expression pa na hindi nya alam kung saan maguumpisa

“what?” tanong ko
“let‘s just say that he planned on dumping you that day, just to make fun of you” sabi nya

and to be honest, I feel nothing

“what do you want me to do then?” tanong ko

“Rain, are you not getting what I‘m saying? he planned what happened that night, he met up with Ashley told her that they can‘t go to his condo, Ashley got suspicious then went to the condo to see you and the rest is history, Rain, his playing with you, and you‘re letting him do it”

“how am I suppose to react to that?” tanong ko, namamanhid na ba ako? o…

“oh .. for the love of .. get mad! break up with that shit! Rain, you‘re too emotionless!”

“Drew, you‘re just saying that”
“I‘m not just ‘saying that’ to get you off his sleeve, well actually yeah but Rain believe me”
“I don‘t know Drew, I think I‘ve been living a world of lie”

“okay, take a week of vacation with me, I‘ll make you forget about him within that week, if you‘re not going to forget about him then I‘ll be the one to let you go, is that fine with you?”

“I can‘t just leave my work”
“you can, and you will, you‘ll file a vacation leave first thing tomorrow morning, okay?”
“but how about Fred?”

“makikipag pustahan ako sayo, sabihin mo lang na may outing ang company nyo for a week, maniniwala yun, and he will not bug you for that long.. deal?”

“fine fine, sige na. anyway you know what? nagtataka ako sa sarili ko why I trust someone like you, I mean once or twice pa lang naman kita nakausap, pero why do I get this feeling na kilala na kita noon pa, and I can trust you? and now that I think of it, may kamukha kang kilala ko, pero I don‘t know where he is na”

nag kibit balikat lang si Drew sa haba ng sinabi ko, what do I expect, anyway

“tulog na tayo, maaga pa akong papasok bukas”
“sure, sa makalawa na tayo aalis ha?” he said

tumango na lang ako, alam ko naman kasing ma-aapprove din agad yung leave ko, hindi ko pa kasi nagagamit mga yun, so ..

______________________________________________________________

“san tayo pupunta Drew?”
“where are your parents?” tanong naman nya
“nasa Vigan, bakit? dun ba tayo?” tanong ko with excitement, syempre antagal ko nang hindi umuuwi dun noh tsaka miss na miss ko na din sila mama at papa!

“if that‘s where you want, then dun tayo” sagot nya saken
“really? oh my gosh Drew! thank you thank you thank you!!”

______________________________________________________________

“Rain, sino ba ang lalakeng ito‘t ka gwapo naman” sabi ni mama
“maaaaaaaa!” sita ko sa kanya, medyo kanina pa kami dumating pero ngayon lang kasi dumating sila mama galing sa bayan

“ay, ako po si Andrew, boyfriend ng anak nyo” pakilala naman ni Drew

*pak!*

“aray!” inda ni Drew, hinampas ko kasi sa balikat, magpakilala ba na BF ko?! FYI sa kanya si Fred padin BF ko noh!

“a-aray ma!!” inda ko naman nang bigla akong kurutin ni mama sa tagiliran

“kayong mga bata kayo! at lalo ka na Rain! hindi kita tinuruan na manakit ng tao” sermon ni mama
“sorry po” sabay naming sabi ni Drew

“hala pumasok na kayo” sabi ni mama, nagmano naman ako kay papa saka nya tinignan si Drew

“ay pa, boyfriend ko po” pakilala ko sa kanya
“sya pa lang ang lalakeng ipinapakilala mo samen” sabi ni papa sabay pasok na din sa bahay
dito kasi kami ni Drew naghintay sa balkon ng bahay

tahimik lang si papa, pero nakakatakot pag nagagalit, dun ako nadisiplina, pero ewan ba! bakit hindi nila ako nadisiplina pagdating sa pagmamahal!

pag pasok namin, nakita ko yung dalawa kong nakababatang kapatid, sila Claudine at Sunshine, kung mapapansin nyo galing talaga sa mga nakikita sa langit ang pangalan naming magkakapatid, at ako nga pala ang panganay, may bunso kaming lalake si Angelo

______________________________________________________________

3 comments:

  1. bitin!!!excited ako sa pustahan nila!!feeling ko may nakaraan silang dalawa....

    ReplyDelete
  2. eh yung ikaw talaga si ms bitin queen hahahah

    nakakatuwa talaga si drew
    nakakacurious yung personality nya
    kung ano ba talagang plano nya...

    mukhang magiging masaya ang vacation nilang dalawa :)

    back to business na ako ;)

    ReplyDelete
  3. kaka xcite every chapter mo teh!...kaka abang!....na-iinlove na aq kay drew huh!....yeeeeeeeeeeeeeeeeeeiiiiiiii naman kasi.....

    ReplyDelete